Thursday, July 10, 2008

Puyat... Ngunit Walang Kabuluhan


Mula pgkabata hanggang sa ngkatrabaho na ako, ay wala ibang pangarap kundi ang makapagsulat ng isang kwento n hindi lang tungkol s lahat ng kalokohan, kalungkutan at kasiyahan ng buhay ko. sa tingin ko kasi ay lubhang napaka-boring nito kumpara sa iba. Sa gulo ng utak ko hindi ko kayang mai-contain ang lahat ng gusto kong sabihin unless Im smoking or been drinking at least a bottle or two. Pero naisip kong wala din nmang masama kung susubukan ko khit man lang isang beses kahit man lang dito sa blog.


Matagal na akong mahilig gumawa ng tula, siguro elementary palang ako. Pero hiyang-hiya akong malaman ng ibang tao. Naiisip ko kasi agad n pagtatawanan lang nila ang kabaduyan ko. Coz let's face it, pinakamadaling gawing tula ay tungkol sa pag-ibig: ang kabiguan at kasayahang dulot nito sa tao at higit s lahat sa sarili. At sa dami ng ipokrito at ipokrita sa mundo natin, n pinipilit na hindi nila kelan man mara2nasan o nanaising masaran ang lahat ng sinasabi ng isang tula tungkol s pag-ibig. Tulad nito - "Sa ilang taong lumipas, Larawan mo s puso ay hindi kumapas. Ngunit sino nga ba ako para ikumpara sa kanya? Ni daliri niyang taglay 'di ko kailanman mapapantayan." (Isang tagalog poem nung highschool ako at take note, wala pa akong nagiging bf nyan). Nakakagawa ko ng mga tagalog o english n tula pero 'di tulad ng iba na sa tuwing depress malulungkot. The irony is kapag masaya ako malulungkot ang gawa ko at kapag depress o nasaktan ako ng "luvlyf" naka2kilig ang lumabas sa utak ko. I find it wierd but still, it works for me. Madali din akong ma-bored lalo n nung nag-aaral pa ko. Halos lahat ng libro noong nag-aaral pa ako ay puno ng tula o isa hanggang s dalawang stanza ng tula. Naiinis nga ako minsa sa sarili ko kung bakit sa hilig kong magsulat ng kung ano ano ay hindi ako nakinig mabuti o nag-aral man lang ng seryosohan sa subject n Pilipino at English. May pagkakataon pa yatang pumagsak ako sa isa dito noon ngunit di ko na din talaga maalala. Madalas lutang ang utak ko kapag Pilipino at English na ang pinag-aaralan. Malaking dahilan ito kung bakit hindi ako natanggap sa course na Journalism s college at napunta ako sa Management. Okay lang naman din kasi ng-enjoy ako sa buhay Management at napapakinabangan ko ang natutunan ko sa pag-tulong sa negosyo ng pamilya. Ngunit may mga pagkakataon n naiisip ko kung pinag-buti ko ba sa mga subject n iyon at naging bihasa sa pagsusulat ay masaya kaya ko? O baka ma-bore lang din ako tulad ngayon?

Alam kong hindi lahat ng manunulat noon at ngayon ay may proper education sa pag-susulat kasi ang kakayahang makabuo ng isang kwento, libro o kahit tula ay talento na nasa tao (o wala) at higit sa lahat hinahasa ng experience at panahon. Aminado akong may konting talento ako sa pag-susulat, bagay na hanggang ngayon ay hindi ko maipagmalaki sa pamilya ko. Hindi sa ididiscourage nila ako, nauunahan lng siguro ako ng hiya sa kanila. Ang gulo ko noh? Mahilig akong magbasa ng romance novel. Ngunit simula ng makapagtrabho ako ay naging intresado akong magbasa ng mga librong hindi "romantic" kundi tungkol sa mundo, sa buhay at sa tao na may konting sense of humor. Mas nanaka relax na kasi ngyong basahin ang mga librong ganito kesa sa "romance" na pare-pareho lang ang pupuntahan ( o baka tumatanda na ako at hindi na masyadong naniniwala sa "fairy tales"?).

Nablangko na ako... Alas singko na kasi ng madaling araw at tatlong oras nalng ay kailangan ko ng pumasok at tumulong sa negosyo. Ganito lang ang buhay ko ngyon, mag-iisang taong na ding ganito katahimik. May mga kaibigan nmn ako pero syempre, ako na lang ang natitirang single sa aming anim. Ang kalahati may pamilya na at ung dalawa mga nag-iipon na sa kasal at ako... Eto, puyat na naman...

No comments: