Wow! 30 na ako! Bilis talaga ng panahon. But I know kahit thirty(n) na ako madami pa akong dapat matutunan. I can’t explain how happy Iam being able to reach this age na hindi ako naa-admit sa mental hospital. Some say I should be scared kasi sabi nga nila kapag 30 na ang isang babae hirap na sa lahat ng bagay like magpapayat at manganak. Well, as far as I know I still have my faith that all things will fall right into its place. Hindi man sabay-sabay mangyari but it will, sooner or later. I love being me and the people who matters to me, loves me too. Kaya wala ako dapat ipagalala just because I’m 30.
Naalala ko tuloy last year, I was dating someone, who is 6 yrs older than me, I bluntly ask him a very insensitive question after only going out with him for the third time: “Bakit wala ka pang asawa? What’s wrong with you?” madiin pa yung pagkakabigkas ko ng wrong sa kanya. Fortunately, mabait naman sya at hindi na-insulto sa tanong ko. Sagot nya... Di ko na maalala...hehe. Siguro para sakin walang kwenta o hindi ko nakuha yung punto nya kaya di nag-register sa utak ko. But what I can remember was that binalik nya yung tanong sa akin, bakit wala ka pang asawa? Kasi ang sagot ko nun “Tanong mo sa dalawang ex-boyfriend ko kung bakit hindi nila ko pinakasalan. Bigay ko sayo home address nila” Sabay dugtong ko ng “JOKE!”. Buti nalang hindi na nya inulit yung tanong kasi siguro nagkatawanan na kami pagka-hirit ko na joke lang, wala naman akong bagong isasagot sa kanya kundi “ganun eh, some girls have all the luck, some girls don’t have any”.
Sa totoong lang nagsasawa na akong sumagot sa ganyang tanong. Kasi una, Im not the first girl to reach 30 na wala pang sabit noh. Pangalawa, yun lang ba ang dapat itanong sa isang babaeng tulad ko na single? Pangatlo, nakaka-baba kaya ng self-esteem yan lalo na kapag hindi ganun katibay ang loob ng pinagtatanungan baka bigla nalang mag-asawa nang hindi nag-iisip masira pa buhay imbes na dapat masaya, daba??? Kaya sa mga mahilig magtanong kung bakit wala pa akong asawa o boyfriend man lang till now, may bago na akong sagot. Matinong sagot at pang-30 na talaga. I figured isang tanong din ang the best answer... “Bakit kayo may asawa/girlfriend/boyfriend ngayon? At kung ano man ang sagot nyo dyan ay kabaliktaran nyan ang nangyari sa akin kaya wala ako ng meron kayo ngayon.”
Ang dami kong nakilala, nakakwentuhan at nakasama sa mga taon na single ako. Dahil sa kanila marami akong nalaman at naintindihan. May maganda, masaya, malungkot at nakaka-trauma. May ilan na bahagi pa din ng aking mundo kahit minsan lang nagkita, may ilan na bigla nalang nawala, iba pang facebook o twitter lang talaga sila at may ilan din na kahit kelan ay hindi ko na ulit papasukin sa mundo ko kasi kahit saang anggulo tignan ay makikitang temporary insanity lang ang pagkakapasok nila sa buhay ko. Bukod sa pamilya at mga bff ko, sila ang naging inspirasyon ko para patuloy akong maging masaya na kahit sandamakmak na problema at disappointment ang dumating, someone out there, mas worse ang pinagdadaanan. I took my time to be single kahit na may mga panahon at pagkakataon na naiinggit ako at nalulungkot kasi wala akong "someone" and everytime it happens naiisip ko yung mga tao na dapat sinagot ko nalang o kaya I just settle for someone, but at the end, ako din mismo makaka-isip na ganun lang ba un? Pilitin ang sarili para lang magka-jowa? Syempre tao lang ako, babae pa, mahilig mangarap na magkaroon ng special someone for real & for life. Pero I know I deserve better and Im waiting for that better. Hindi ako mala-damsel-in-distress kaya malamang yung magiging jowa ko is really man enough to take on me kasi hindi ako tulad ng ibang babae... "Pare" ata toh! sabi nga ni te aileen. Isa siguro yun sa mga dahilan kaya wala pa akong matinong na-jowa o hindi ako napili. Maybe they are not "man" enough for me or I'm not "girl" enough for them... and so, Why would I be with a man who can't see a woman in me? Cynical na ba? well most of the time, oo, pero hindi pa din nawawala ang "happily ever after" sa dugo ko. Hindi ko lang masyadong ini-expect un kasi hindi naman lahat ng reality ganun ang ending. Napatunayan ko kasi that love is never enough to sustain a relationship for love fades. Kasi yun ang pinakamadaling maibigay, pagmamahal. Faith in God, respect and trust pa din ang pinaka-importante. Dahil kapag yun ang nawala at nasira kahit friendship wala ng kwenta. Magiging civil na lang towards those people para matahimik lang din ang paligid. At hindi pagiging plastic un. It simply means that I just look back, but would never come back. Totoo pala yung sabi nila na kapag natuto ka na sa ilang bagay na hinarap mo, nagiging komplikado na din yung mga hinahanap mo... Pero kilala ko din sarili ko, matalino ako pero bobo ang puso ko. Ilang beses ko at ng mga madalas ko kausap, napatunayan yan. Kapag may gustong akong fish, I go swimming. Gaano man kalabo ang tubig, importante alam ko pa din paano lumangoy pabalik sa lupa kapag palpak ang fish.lolz!
Sanay na sanay akong mag-isa. Hindi ko ginusto pero nagustuhan ko. Hindi ako basta-basta nakikinig sa advice ng pamilya ko at bff ko kahit na alam ko na mas tama sila and I really value their advices kaso ang problema nasa akin din. Isip-bata ako eh. Hanggat di nasasaktan o nasusugutan hindi titigil sa kalokohan. Kaya nga naintindihan ko na kung bakit paulit-ulit nangyayari kasi hindi ako matuto-tuto... Katigasan ng ulo ang talent. Nagmamadali pero laging late... kahit isang oras advance ang relo two hours pa din akong late.
Pero ang pinakaimportanteng natutunan ko... Huwag na huwag makinig sa mga "cow" and "bees". And I don’t have to explain my life choices to people who don’t matter to me because they don’t know who I’am and what I’ve been through to keep my sanity and survive. Wala din naman akong pakialam sa mga ginawa nila sa buhay basta hindi ako at mga taong importante sa akin involve, care ko sa lifestyle ng mga 'yan. Para sa akin, kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang diskarte... Walang basagan ng trip!
Lastly, birthday wish ko... hhhmmmm... world peace! beauty queen ako eh! hehehe.