Last thursday (July 31st) I got sick and as much as I wanted to die every minute of it, pinilit ko pa rin pumasok sa office sa dahilang ayoko din magstay sa unit ko. Nagpaka-bangag ang lolah sa biogesic at robitusin para lang makalabas ng unit at mag-pretend na office girl ako. Pinaka nakainis na parte ay bumagyo pa at hindi na ako nakauwi sa pinakamamahal kong unit dahil as I've said before "BAHAIN SA DELA ROSA STREET MAKATI!!!" kesa nga naman ma-stranded, I decided to go home sa Cavite.
Nakakatuwa talaga kasi kahit anong pilit kong lumayo dito sa bahay na ito, kapag nagkakasakit ako, there's no place like home (of my parents), ika nga. Kasi I don't have to cook my food, laundry, iron and clean the house. Laging may kasambahay na gagawa nun. You can say na medyo prinsesa ang buhay ko dito kasi totoo naman eh. Hindi ko kailangang maghugas ng pinagkainan ko o problemahin ang isusuot ko kinabukasan kasi laging andyan na sa oras na kailangan. Hindi naman ako 'clinger' kapag may sakit. I can drink my medicine on time on my own. 'Di rin kailangan subuan o kaya alalahanin pa kung ano ang gusto kong kainin kasi kaya ko. Nasanay lang talaga siguro ako na tumayo sa sariling paa. Yoko kasi na people around me make a big deal kapag may flu lang, unless I'm bleeding o turning violet na, I'll be fine. Masarap lang dito kasi laging may available na maghihilot sa nangingilong katawan dahil sa lagnat at syempre ang pinakamasarap pakinggan kapag may sakit ka "O, kamusta na pakiramdam mo? Anong gusto mong ipaluto na ulam? Magaling ka na ba?" Those words I miss kapag may sinat o masakit lang ang katawan ko, tapos nagiisa ako sa unit kapag hindi naman kailangan umuwi para mag-nebulizer o below 39 degrees ang init, wala akong maririnig na ganun sa empty unit ko (well unless humarap ako sa salamin ang kausapin ko sarili ko). Nasa DNA na ata ng tao 'yun kapag may sakit ka, kailangang makarinig ka ng mga ganung soothing words for you to feel better kasabay ng mga gamot mula sa botika. 'Yung pagiging vulnerable mo kapag may sakit ka o morning after ka manginig sa ginaw na kahit napakasimpleng "kamusta ka na?" eh parang "i love you!" na sa pandinig mo. But syempre alam ko namang hindi na kasama sa package ang ganun nung pinili kong mamuhay mag-isa.
Until now nasa Cavite pa rin ako, nagpapagaling. Pero alam ko as soon as ok na ako, wala pa rin akong gagawin kundi ang bumalik sa empty unit ko para ituloy ang half-full life ko. Kasi kahit masarap mamuhay kasama ang pamilya at lahat ng priveleges na kaakibat nun, I'll be a prisoner ulit, live by their rules and die by their rules. Pag may sakit lang siguro ko kayang magtagal dito at mageenjoy pa ko nun. Until Sunday nga lang kasi hanggang dun lang tolerance level ko and besides magaling na ko, I'm singing na ulit kahit walang boses na lumabas sa bibig ko.hehehe