Life's Smoke
Life's not perfect as nobody is. Like puffing ciggies, one must learn to breath in and breath out. And when you're done, let go.
Monday, July 2, 2012
Wishing Star
I love reading blogs and answers sa forums na sinalihan ko man o hindi, almost every night before going to sleep. Nakaka-relax kasi aside from reading books or watching movies, plus I learn a thing or two about people, place, current events, and all. This time, I've read something about a wish for his lola. Nakaka-touch kasi... Although, I didn't know and read about the wish for her, I just assume that his wish is meaningful or could be helpful for what his lola is going through. Kasi dun sa particular na forum na 'yun nagpapasalamat na sya kahit hindi natupad 'yung wish nya, he probably knows na medyo suntok sa buwan and sadly, his lola just died when he did that post... :(
Made me think about "wishing". No matter what age bracket we're in, we all wish for something to happen or for someone to be with. We can't help it, it's a natural thing and it's free :). We do it on a wishing well, on a church the first time you visit that particular church, dandelions and falling stars. Growing up on a very superstitious family made me believe on those things that could help us have or achieve anything that our heart's desire. Although most of them don't come to reality it wouldn't matter kasi it's a wish. When I was a kid, I believe that a falling star or just a star could make my wish come true. I think because being in the sky and all made me feel that it can do wonders in making my wish reach God. I even memorize the chant for that: "Star light, Star bright. First Star I see tonight. Wish I may. Wish I might. Make my dream come true tonight..." It even ended on the invitation for my debut. That's how big of a star fan I’am and butterflies, of course.
Month of September is very special to me. Not because 14th of this month was special way back... well FYI it still is. lol (for those who can remember, congratulations! pls. keep ur mouth shut.). Why? this time, "my stars", appears so bright. I named them "Tres Marias" because they three stars that are very align with each other. I dont know if they are part of the big dipper or small dipper, I dont care anyway, all i know is that they are my self-appointed stars. It's not hard to find them this time of the year kasi nga they're in their brightest. Unfortunately, hindi ko na sila masyadong makita ever since lumipat ako ng bahay because of buildings and stuff. But I know, nandyan na sila. And I can't wait to see them this weekend when I come home sa Cavite and make my wish on them. I don't feel stupid wishing on them. They are after all my stars and sometimes it feels very good sending your wish to the void just to get them out of your system. Matupad man o hindi, it doesn't matter. Looking up at them is rewarding na for me, granted wish will be a very generous bonus.
Wala pa naman natupad or hindi ko lang napansin na natupad, makakalimutin kasi ako eh. No, hindi pa ako ulyanin. Masyado na kasi madami para maalala ko silang lahat. Still, I love wishing on them and of course, praying to God and working on that wish is still the best thing I could do to make it come true.
PS.
Kinikilig ako... Coz I just remember kung sino yung kauna-unahang taong sinabihan ko, na hindi ko kadugo, about my stars... OMG! Oh well, I'll just dream about you na lang... honey ^_^
Monday, November 7, 2011
Iam Thirty(n)
Wow! 30 na ako! Bilis talaga ng panahon. But I know kahit thirty(n) na ako madami pa akong dapat matutunan. I can’t explain how happy Iam being able to reach this age na hindi ako naa-admit sa mental hospital. Some say I should be scared kasi sabi nga nila kapag 30 na ang isang babae hirap na sa lahat ng bagay like magpapayat at manganak. Well, as far as I know I still have my faith that all things will fall right into its place. Hindi man sabay-sabay mangyari but it will, sooner or later. I love being me and the people who matters to me, loves me too. Kaya wala ako dapat ipagalala just because I’m 30.
Naalala ko tuloy last year, I was dating someone, who is 6 yrs older than me, I bluntly ask him a very insensitive question after only going out with him for the third time: “Bakit wala ka pang asawa? What’s wrong with you?” madiin pa yung pagkakabigkas ko ng wrong sa kanya. Fortunately, mabait naman sya at hindi na-insulto sa tanong ko. Sagot nya... Di ko na maalala...hehe. Siguro para sakin walang kwenta o hindi ko nakuha yung punto nya kaya di nag-register sa utak ko. But what I can remember was that binalik nya yung tanong sa akin, bakit wala ka pang asawa? Kasi ang sagot ko nun “Tanong mo sa dalawang ex-boyfriend ko kung bakit hindi nila ko pinakasalan. Bigay ko sayo home address nila” Sabay dugtong ko ng “JOKE!”. Buti nalang hindi na nya inulit yung tanong kasi siguro nagkatawanan na kami pagka-hirit ko na joke lang, wala naman akong bagong isasagot sa kanya kundi “ganun eh, some girls have all the luck, some girls don’t have any”.
Sa totoong lang nagsasawa na akong sumagot sa ganyang tanong. Kasi una, Im not the first girl to reach 30 na wala pang sabit noh. Pangalawa, yun lang ba ang dapat itanong sa isang babaeng tulad ko na single? Pangatlo, nakaka-baba kaya ng self-esteem yan lalo na kapag hindi ganun katibay ang loob ng pinagtatanungan baka bigla nalang mag-asawa nang hindi nag-iisip masira pa buhay imbes na dapat masaya, daba??? Kaya sa mga mahilig magtanong kung bakit wala pa akong asawa o boyfriend man lang till now, may bago na akong sagot. Matinong sagot at pang-30 na talaga. I figured isang tanong din ang the best answer... “Bakit kayo may asawa/girlfriend/boyfriend ngayon? At kung ano man ang sagot nyo dyan ay kabaliktaran nyan ang nangyari sa akin kaya wala ako ng meron kayo ngayon.”
Ang dami kong nakilala, nakakwentuhan at nakasama sa mga taon na single ako. Dahil sa kanila marami akong nalaman at naintindihan. May maganda, masaya, malungkot at nakaka-trauma. May ilan na bahagi pa din ng aking mundo kahit minsan lang nagkita, may ilan na bigla nalang nawala, iba pang facebook o twitter lang talaga sila at may ilan din na kahit kelan ay hindi ko na ulit papasukin sa mundo ko kasi kahit saang anggulo tignan ay makikitang temporary insanity lang ang pagkakapasok nila sa buhay ko. Bukod sa pamilya at mga bff ko, sila ang naging inspirasyon ko para patuloy akong maging masaya na kahit sandamakmak na problema at disappointment ang dumating, someone out there, mas worse ang pinagdadaanan. I took my time to be single kahit na may mga panahon at pagkakataon na naiinggit ako at nalulungkot kasi wala akong "someone" and everytime it happens naiisip ko yung mga tao na dapat sinagot ko nalang o kaya I just settle for someone, but at the end, ako din mismo makaka-isip na ganun lang ba un? Pilitin ang sarili para lang magka-jowa? Syempre tao lang ako, babae pa, mahilig mangarap na magkaroon ng special someone for real & for life. Pero I know I deserve better and Im waiting for that better. Hindi ako mala-damsel-in-distress kaya malamang yung magiging jowa ko is really man enough to take on me kasi hindi ako tulad ng ibang babae... "Pare" ata toh! sabi nga ni te aileen. Isa siguro yun sa mga dahilan kaya wala pa akong matinong na-jowa o hindi ako napili. Maybe they are not "man" enough for me or I'm not "girl" enough for them... and so, Why would I be with a man who can't see a woman in me? Cynical na ba? well most of the time, oo, pero hindi pa din nawawala ang "happily ever after" sa dugo ko. Hindi ko lang masyadong ini-expect un kasi hindi naman lahat ng reality ganun ang ending. Napatunayan ko kasi that love is never enough to sustain a relationship for love fades. Kasi yun ang pinakamadaling maibigay, pagmamahal. Faith in God, respect and trust pa din ang pinaka-importante. Dahil kapag yun ang nawala at nasira kahit friendship wala ng kwenta. Magiging civil na lang towards those people para matahimik lang din ang paligid. At hindi pagiging plastic un. It simply means that I just look back, but would never come back. Totoo pala yung sabi nila na kapag natuto ka na sa ilang bagay na hinarap mo, nagiging komplikado na din yung mga hinahanap mo... Pero kilala ko din sarili ko, matalino ako pero bobo ang puso ko. Ilang beses ko at ng mga madalas ko kausap, napatunayan yan. Kapag may gustong akong fish, I go swimming. Gaano man kalabo ang tubig, importante alam ko pa din paano lumangoy pabalik sa lupa kapag palpak ang fish.lolz!
Sanay na sanay akong mag-isa. Hindi ko ginusto pero nagustuhan ko. Hindi ako basta-basta nakikinig sa advice ng pamilya ko at bff ko kahit na alam ko na mas tama sila and I really value their advices kaso ang problema nasa akin din. Isip-bata ako eh. Hanggat di nasasaktan o nasusugutan hindi titigil sa kalokohan. Kaya nga naintindihan ko na kung bakit paulit-ulit nangyayari kasi hindi ako matuto-tuto... Katigasan ng ulo ang talent. Nagmamadali pero laging late... kahit isang oras advance ang relo two hours pa din akong late.
Pero ang pinakaimportanteng natutunan ko... Huwag na huwag makinig sa mga "cow" and "bees". And I don’t have to explain my life choices to people who don’t matter to me because they don’t know who I’am and what I’ve been through to keep my sanity and survive. Wala din naman akong pakialam sa mga ginawa nila sa buhay basta hindi ako at mga taong importante sa akin involve, care ko sa lifestyle ng mga 'yan. Para sa akin, kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang diskarte... Walang basagan ng trip!
Lastly, birthday wish ko... hhhmmmm... world peace! beauty queen ako eh! hehehe.
Saturday, March 19, 2011
3L's (Laugh, Love & Lies)
May 2010 was my last entry on this blog... God I miss blogging... it's really been a while. Wala naman akong ginawa s loob ng isang taon kundi maghanap ng maisusulat but I felt nothing is worth writing about. 2010 was such a wreck... then again, most of my single life is a train wreck. Most of them Im dying to forget after experiencing it kasi nga hindi maganda o walang naidulot na mabuti sa akin. Pero that's how I learn naman... hay buhay... kelan ka ba aayon sa akin?
Being single is fun... Self discovery & self-preservation are the key points I have acquired. Keeping my head above the water all time sometimes tired me down, no wait! burned me out. Hindi sa lahat ng oras I can do it since Im only human and is prone to error. Minsan nagkakamali ako ng hindi ko sinasadya, pero madalas sa katigasan na din ng ulo ko. I love learning things on my own kaya kapag nasaktan o nasugatan ako I have no one to blame but me, myself & I. "Curiousity kills the cat" sabi nga nila. But the things I learned after all those things is always worth it. Hindi ako masokista I just love to learn, mga bagay na hindi tinuro s school o ng mga magulang o kaibigan o maski sa dami ng librong nabasa ko.
Iba pa din yung natutulong ng first-hand experience. Parang pagluluto ng adobo, hindi ako natuto sa pagturo sa akin kung paano ito lutuin o kahit yung cookbook ko na super trusted ko minsan binabalewala ko ang instruction kaya madalas palpak luto ko. At dahil walang ibang kakain nun kundi ako, I have to bare the taste of that adobo on my own for 3 days!lolz! Pero alam mo 'yung kahit ilang beses ko sya itry lutuin at limang milyong beses ay palpak ang paraan at lasa ng adobo, I never stop trying kasi I love adobo, pork adobo to be exact. Kaya kahit nagyon na ilang milyong beses ako kumain ng maalat, tuyo, matamis na maalat na sobra sa mantikang adobo, I wouldn't dare stop trying hanggat hindi ko ito maluto ng maayos na tama sa panlasa ko. Walang ibang dapat asahan ang isang tao kung gusto nyang mabuhay na ayon sa gusto nya. Maari syang humingi ng payo o tulong sa friends o family, but in the end ang katigasan ng ulo mo pa rin ang masusunod kasi sa ayaw mo't sa gusto wala kang ibang gustong gawin kundi gumawa ng sarili mong adobo.
'Yung ginagawa kong pag-aaral ng pagluto ng pork adobo, ganun din ako sa paghahanap ng "love". I know, baduy! so cliche! pero aminin totoo yun. Sa mga singletons na katulad ko, iba pa din yung ikaw mismo ang makatagpo o makaranas ng saya at lungkot. That eventhough your heart had been disappointed so many times, you'll think wala ng natira para sa susunod kasi masyado ng damage. But it isn't. It just happen to learn a lot from the experience kaya minsan maypagka-dense na ito. Pero alam kong meron pang pagkakataon na makakaranas ito ng happiness na walang katulad. Hindi naman siguro suntok sa buwan ang wish ko di ba? Kung ano yung hiniling ng mga taong masaya ngayon, 'yun lang din ang hiling ng isang katulad ko. Siguro pagnatuto na akong magluto ng perfect "tatan's adobo" makakatagpo na din ang puso ko.lolz!
Parang kelan lang nasa langit ang buong mundo ko... exactly three weeks ago. Parang walang katapusang kilig at saya ang bumubuo ng araw ko. Walang oras na hindi ako nakangiti. Walang minuto na hindi sya ang laman ng isip ko. Walang segundo na hindi para sa kanya ang pintig ng puso ko. But like a dream, one must wake-up to reality. LIES, definitely a bad wake-up call. Parang biglang naputol ang pakpak mo and you fell on your head so hard parang ayaw mo na tumayo kasi baka hindi naman totoo ang lahat ng iyon. Na kahit gaano kaikli ang mga naranasan kong saya hindi ko pa rin kayang mapaniwalaan na hanggang doon na lang 'yun. Na mas gugustuhin ko ulit pumikit baka sakaling bumalik ang saya na naramdaman ko. Pero sa bawat buntong hiningang bibitawan ko, alam na alam ko na hindi na mangyayari... Hindi ko na din kayang ituloy pa ang isang panaginip na nag-ugat sa kasinungalingan. Hindi ko na din nanaisin pang ituloy ang isang mali kasi alam na alam kong walang magandang idudulot ito sa buhay ko. Hindi ko naman ito ngayon lang naranasan... Kung pwede lang may litrato ang bawat karanasan ko sa ganitong pangyayari kulang ang mga billboard sa Edsa para sa mga ito. Kung ilang beses na din ako sumubok na baka maaari pang maging masaya sa isang kasinungalingan pero alam ko din hindi naman ito ganun kasaya talaga at walang ibang dapat gawin kundi tuluyan nang gumising.... bumangon.... para ayusin ang mga nasira.... pulutin ang mga nalaglag kong pantasya.
Ayan ang tatlong L ng buhay ko... sa loob lamang yan ng tatlo ding linggo... ganun kabilis ang buhay... pilitin ko mang bagalan... hindi naman pwede... kasi hindi ganun ang buhay... kasi sa isang iglap magbabago ang lahat... kasi sa isang kisap-mata iba na ang takbo nito... kasi hindi naman ako pwedeng sumuko dahil lang sa lahat ng ito. Ako ito... matalino... minsan bobo... sa adobo lalo na sa puso.

Tuesday, May 18, 2010
Crazy Jane

My thoughts are with you
Day & night I always do
Pray our stars would meet
That will end this long wait
For years I've never felt
Such rush I thought I'd forget
Then I saw your eyes
Every beat sounded so fast
Infatuation this may be
I won't dare stop what I feel
Fantasy then shall be
I don't care THIS IS my reality
Day & night I always do
Pray our stars would meet
That will end this long wait
For years I've never felt
Such rush I thought I'd forget
Then I saw your eyes
Every beat sounded so fast
Infatuation this may be
I won't dare stop what I feel
Fantasy then shall be
I don't care THIS IS my reality
A Crush after The Crash
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon... I have a crush! Yes, after ilang months mula ng makilala ko siya I've been dying to tell that to everyone close to me kaso I was still on a denial stage since he's clearly not my type. But after weeks turn to months that the simple curiosity about this person turns to crush. Im hearing a lot of love songs people! FINALLY I GOT TO FEEL SOMETHING AGAIN!
Grabe, ang tagal bago ko i-admit sa sarili ko na after four years may crush na ulit ako na totoong hinahangaan ko, like my college professor & other crushes I had before the crash of 2006. Para akong teenager na kinikilig for just a mere thought of him. The difference is that, since he's clearly not the guy I'd normally crush on, hindi physical attributes ang rason kung bakit ko sya crush. Of course hindi naman yung tipong sinumpa ng langit at lupa ang hitsura nya, may face din naman sya pero hindi pa din eh. For those people na kilala ako alam na mala-hunk o kaya pang model/artista ang mga tipo kong gawing crush kasi crush lang naman. Sabi nga nila mangangarap ka rin lang naman to the highest level na kaya mostly ganun kaga-gwapo ang mga nagiging crush ko. But this guy is really different... I think he is a good person, no I take that back... I think he is A GREAT person.
Ang nakakainis lang na parte dito, hindi ko din alam kung alam nya na nage-exist ako!(O di ba, teenager na teenager ang dating?!) And I don't think this guy deserves someone like me. I mean, he is this goody good person with a great sense of self and who is responsible enough to make a living and then there's me... Hindi sa minamaliit ko ang sarili ko because I know I have good qualities din naman na pwedeng ipagmalaki, kaya lang I feel like the devil in his life kung sakaling the feeling is mutual, which I doubt. Hindi ko alam kung we are like the opposite-attract kind a thing, because I think we're too opposite to attract. May pagka-stalker kasi ako at mala-NBI ang halukay ko sa background ng buhay ng isang crush ko kaya kahit paano may alam ako tungkol sa kanya that's why I know he's way too good for me. Pero hindi naman yung tipong nagpapahalata ako. I manage to stay cool and collected in front of him.
Sabi nga ng best friend/cousin ko, I have to make myself a little bit approachable to this person kasi I have a tendency na masyadong defensive sa mga tao (especially na crush ko pa siya). She told me na, intimidating na nga ang dating ko (hindi naman siguro physical na dating ang ibig nyang sabihin noh?) I have to take it down a little para kung sakaling the feeling is mutual makalapit si crush. Problem is that I know myself too well at hindi ko kakayanin ata yun... I've done that before and there's nothing good for me after that.
Sabi ko nga sa bestfriend/cousin ko, IF the feeling is mutual, he just have to make it to the gate of the wall to knock & I know I'll let him in kasi sa tingin ko sya ang "mas" na dumating sa buhay ko ngayon at sa tingin ko hindi siya tulad ng kapitbahay ng pamilya ko. Alam kong iba siya at gawin nya lang ang pinakamahirap para sa kanya 'yun ay ang lapitan ako, hindi na siya ulit mahihirapan.
Well, here's Tina hoping... ^_^

Monday, May 17, 2010
The Begining & The End
It's been a while since I started this blog and put anything on. I guess I've been very busy or tired of thinking for a while. Naging masyadong routinary ang buhay ko since last year. Tahimik at boring.
Okay lang sana na tahimik, kaso may kasamang boredom eh. I hate being bored. Gives me a lot of time to eat. So, I've decided to start again... writing I mean.

Friday, August 1, 2008
No Place Like Home...Cavite
Last thursday (July 31st) I got sick and as much as I wanted to die every minute of it, pinilit ko pa rin pumasok sa office sa dahilang ayoko din magstay sa unit ko. Nagpaka-bangag ang lolah sa biogesic at robitusin para lang makalabas ng unit at mag-pretend na office girl ako. Pinaka nakainis na parte ay bumagyo pa at hindi na ako nakauwi sa pinakamamahal kong unit dahil as I've said before "BAHAIN SA DELA ROSA STREET MAKATI!!!" kesa nga naman ma-stranded, I decided to go home sa Cavite.
Nakakatuwa talaga kasi kahit anong pilit kong lumayo dito sa bahay na ito, kapag nagkakasakit ako, there's no place like home (of my parents), ika nga. Kasi I don't have to cook my food, laundry, iron and clean the house. Laging may kasambahay na gagawa nun. You can say na medyo prinsesa ang buhay ko dito kasi totoo naman eh. Hindi ko kailangang maghugas ng pinagkainan ko o problemahin ang isusuot ko kinabukasan kasi laging andyan na sa oras na kailangan. Hindi naman ako 'clinger' kapag may sakit. I can drink my medicine on time on my own. 'Di rin kailangan subuan o kaya alalahanin pa kung ano ang gusto kong kainin kasi kaya ko. Nasanay lang talaga siguro ako na tumayo sa sariling paa. Yoko kasi na people around me make a big deal kapag may flu lang, unless I'm bleeding o turning violet na, I'll be fine. Masarap lang dito kasi laging may available na maghihilot sa nangingilong katawan dahil sa lagnat at syempre ang pinakamasarap pakinggan kapag may sakit ka "O, kamusta na pakiramdam mo? Anong gusto mong ipaluto na ulam? Magaling ka na ba?" Those words I miss kapag may sinat o masakit lang ang katawan ko, tapos nagiisa ako sa unit kapag hindi naman kailangan umuwi para mag-nebulizer o below 39 degrees ang init, wala akong maririnig na ganun sa empty unit ko (well unless humarap ako sa salamin ang kausapin ko sarili ko). Nasa DNA na ata ng tao 'yun kapag may sakit ka, kailangang makarinig ka ng mga ganung soothing words for you to feel better kasabay ng mga gamot mula sa botika. 'Yung pagiging vulnerable mo kapag may sakit ka o morning after ka manginig sa ginaw na kahit napakasimpleng "kamusta ka na?" eh parang "i love you!" na sa pandinig mo. But syempre alam ko namang hindi na kasama sa package ang ganun nung pinili kong mamuhay mag-isa.
Until now nasa Cavite pa rin ako, nagpapagaling. Pero alam ko as soon as ok na ako, wala pa rin akong gagawin kundi ang bumalik sa empty unit ko para ituloy ang half-full life ko. Kasi kahit masarap mamuhay kasama ang pamilya at lahat ng priveleges na kaakibat nun, I'll be a prisoner ulit, live by their rules and die by their rules. Pag may sakit lang siguro ko kayang magtagal dito at mageenjoy pa ko nun. Until Sunday nga lang kasi hanggang dun lang tolerance level ko and besides magaling na ko, I'm singing na ulit kahit walang boses na lumabas sa bibig ko.hehehe

Subscribe to:
Posts (Atom)