Saturday, March 19, 2011

3L's (Laugh, Love & Lies)

May 2010 was my last entry on this blog... God I miss blogging... it's really been a while. Wala naman akong ginawa s loob ng isang taon kundi maghanap ng maisusulat but I felt nothing is worth writing about. 2010 was such a wreck... then again, most of my single life is a train wreck. Most of them Im dying to forget after experiencing it kasi nga hindi maganda o walang naidulot na mabuti sa akin. Pero that's how I learn naman... hay buhay... kelan ka ba aayon sa akin?

Being single is fun... Self discovery & self-preservation are the key points I have acquired. Keeping my head above the water all time sometimes tired me down, no wait! burned me out. Hindi sa lahat ng oras I can do it since Im only human and is prone to error. Minsan nagkakamali ako ng hindi ko sinasadya, pero madalas sa katigasan na din ng ulo ko. I love learning things on my own kaya kapag nasaktan o nasugatan ako I have no one to blame but me, myself & I. "Curiousity kills the cat" sabi nga nila. But the things I learned after all those things is always worth it. Hindi ako masokista I just love to learn, mga bagay na hindi tinuro s school o ng mga magulang o kaibigan o maski sa dami ng librong nabasa ko.

Iba pa din yung natutulong ng first-hand experience. Parang pagluluto ng adobo, hindi ako natuto sa pagturo sa akin kung paano ito lutuin o kahit yung cookbook ko na super trusted ko minsan binabalewala ko ang instruction kaya madalas palpak luto ko. At dahil walang ibang kakain nun kundi ako, I have to bare the taste of that adobo on my own for 3 days!lolz! Pero alam mo 'yung kahit ilang beses ko sya itry lutuin at limang milyong beses ay palpak ang paraan at lasa ng adobo, I never stop trying kasi I love adobo, pork adobo to be exact. Kaya kahit nagyon na ilang milyong beses ako kumain ng maalat, tuyo, matamis na maalat na sobra sa mantikang adobo, I wouldn't dare stop trying hanggat hindi ko ito maluto ng maayos na tama sa panlasa ko. Walang ibang dapat asahan ang isang tao kung gusto nyang mabuhay na ayon sa gusto nya. Maari syang humingi ng payo o tulong sa friends o family, but in the end ang katigasan ng ulo mo pa rin ang masusunod kasi sa ayaw mo't sa gusto wala kang ibang gustong gawin kundi gumawa ng sarili mong adobo.

'Yung ginagawa kong pag-aaral ng pagluto ng pork adobo, ganun din ako sa paghahanap ng "love". I know, baduy! so cliche! pero aminin totoo yun. Sa mga singletons na katulad ko, iba pa din yung ikaw mismo ang makatagpo o makaranas ng saya at lungkot. That eventhough your heart had been disappointed so many times, you'll think wala ng natira para sa susunod kasi masyado ng damage. But it isn't. It just happen to learn a lot from the experience kaya minsan maypagka-dense na ito. Pero alam kong meron pang pagkakataon na makakaranas ito ng happiness na walang katulad. Hindi naman siguro suntok sa buwan ang wish ko di ba? Kung ano yung hiniling ng mga taong masaya ngayon, 'yun lang din ang hiling ng isang katulad ko. Siguro pagnatuto na akong magluto ng perfect "tatan's adobo" makakatagpo na din ang puso ko.lolz!

Parang kelan lang nasa langit ang buong mundo ko... exactly three weeks ago. Parang walang katapusang kilig at saya ang bumubuo ng araw ko. Walang oras na hindi ako nakangiti. Walang minuto na hindi sya ang laman ng isip ko. Walang segundo na hindi para sa kanya ang pintig ng puso ko. But like a dream, one must wake-up to reality. LIES, definitely a bad wake-up call. Parang biglang naputol ang pakpak mo and you fell on your head so hard parang ayaw mo na tumayo kasi baka hindi naman totoo ang lahat ng iyon. Na kahit gaano kaikli ang mga naranasan kong saya hindi ko pa rin kayang mapaniwalaan na hanggang doon na lang 'yun. Na mas gugustuhin ko ulit pumikit baka sakaling bumalik ang saya na naramdaman ko. Pero sa bawat buntong hiningang bibitawan ko, alam na alam ko na hindi na mangyayari... Hindi ko na din kayang ituloy pa ang isang panaginip na nag-ugat sa kasinungalingan. Hindi ko na din nanaisin pang ituloy ang isang mali kasi alam na alam kong walang magandang idudulot ito sa buhay ko. Hindi ko naman ito ngayon lang naranasan... Kung pwede lang may litrato ang bawat karanasan ko sa ganitong pangyayari kulang ang mga billboard sa Edsa para sa mga ito. Kung ilang beses na din ako sumubok na baka maaari pang maging masaya sa isang kasinungalingan pero alam ko din hindi naman ito ganun kasaya talaga at walang ibang dapat gawin kundi tuluyan nang gumising.... bumangon.... para ayusin ang mga nasira.... pulutin ang mga nalaglag kong pantasya.

Ayan ang tatlong L ng buhay ko... sa loob lamang yan ng tatlo ding linggo... ganun kabilis ang buhay... pilitin ko mang bagalan... hindi naman pwede... kasi hindi ganun ang buhay... kasi sa isang iglap magbabago ang lahat... kasi sa isang kisap-mata iba na ang takbo nito... kasi hindi naman ako pwedeng sumuko dahil lang sa lahat ng ito. Ako ito... matalino... minsan bobo... sa adobo lalo na sa puso.

No comments: